Ayon sa mga pulis, nag iwan ng 20 kataong patay at mahigit 2 dosenang sugatan ang pag-salpok ng isang pang-pasaherong bus sa isang van na nag-sasakay ng mga deboto na mag-sisimba para sa Misa de Gallo sa hilagang Pilipinas nuong Lunes.
Ayon kay Police Chief Superintendent Romulo Sapitula, ang mga nasawi sa insidente na naganap ng madaling-araw sa Agoo, La Union, ay mga pasahero ng van o mas kilala sa tawag na jeepney. Ang 10 katao kabilang ang tsuper ng isa pang jeep ay namatay din sa insidente. Samantalang 17 katao na pasahero ng bus ay naiwang sugatan.
Sa sobrang lakas ng pagka-bangga, ang makina ng jeep ay tumilapon.
Ayon sa pulis, ang nasabing jeep ay papunta sa Our Lady of Manaoag, isang simbahang katoliko sa hilagang bahagi ng Probinsya ng Pangasinan, isa ito sa mga pinupuntahan ng mga debotong katoliko upang mag-dasal upang gumaling ang kani-kanilang karamdaman at matupad ang kanilang mga kahilingan.
Hindi matibay na mga pang-pasaherong bus at jeep, kakulangan sa safety signs, mahinang pag-papatupad ng batas at walang disiplina sa pag-mamaneho ang kalimitang sanhi ng mga trahedya sa kalsada sa Pilipinas.
Source: Mainichi Image: CNN
Join the Conversation