Babaeng nag home service ng lash extension na walang lisensya, kakasuhan

Itinuring na criminally liable ang babae na nag-apply ng lash extension technique sa kanyang bahay na walang lisensya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inanunsyo ng Metropolitan Police Department noong Thursday (14), ang pagsampa ng kaso laban sa isang babae dahil sa ilegal na aktibidad at pag violate ng Hairdressing Law.

Ang pangalan niya ay hindi inilabas ngunit kinasuhan na sya sa pag apply ng pampahaba o eyelash extension technique na walang tamang lisensya.

Ang babae ay kakasuhan sa pag apply ng lash extension sa dalawang customer. Isa sa kanila ay naging customer nya ngayong taon ng Pebrero, kumunsulta sa police ang customer tungkol dito kaya’t nadiskubre ang ginagawa ng babae.

Ang babae na walang beautician’s degree, ay nakatira sa Setagaya-ku, sa Tokyo. Ayon sa impormasyon ng police, bago niya sinimulang mag home service ay nakapag trabaho sya sa isang aesthetic clinic. Doon niya natutunan ang techique at saka siya nagsariling mag home service.

“Ginawa ko lang naman to para may pagkakitaan,” sinabi ng ginang na nagseserbisyo ng walang lisensya.

Ang pag penalty sa illegal na practice na ito ay simula pa noong 2008 at naisabatas ito para sa mga hairdressers at beauticians, ito ay isang patakaran ng Ministry of Health, Work and Welfare na kung saan pumapayag na magsagawa ng ganitong serbisyo basta’t mayroon kang diploma ng beautician.

Ang patakaran na ito ay upang maprotektahan at upang maiwasan ang palagiang reklamo tungkol sa mga pinsala na natatamo ng mga customers katulad ng mga allergies, pagka-irita, at iba pang klase ng pinsala dahil sa kakulangan ng technical skills at palpak na pagsagawa ng procedures.

Kapag ang tao ay nahuling nagsasagawa ng ganiyong aktibidad na walang lisenya, siya ay maaring makasuhan criminally. Depende sa kaso, ang penalty na kailangang bayaran ay maaaring umabot hanggang 300,000 yen.

Sources: Sankei and MSTB
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund