Ayon sa Korte Suprema, ang lahat ng nag-mamay-ari ng telebisyon ay dapat ng mag-bayad sa NHK

Isina-batas na ang pag-babayad sa NHK Broadcasting.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

“Ayon sa batas, ang lahat ng nag-mamay-ari ng telebisyon ay kinakailangan na mag-sign up sa pampublikong mag-hahayag na NHK  at mag-bayad ng subscription fee. At ipawalang saysay reklamong sinasabing pag-babalewala ng malayang karapatan sa pakikipag-kontrata na ipinapag-tibay ng konstitusyon.” ayon sa pahayag ng korte suprema ng Japan nitong Miyerkules lamang.

Ang nasabing pangyayari ay nag-resulta nang idemanda ng NHK ang isang lalaki sa Tokyo ng ito ay hindi pumayag na mag-sign up sa nasabing istasyon.dahil sa nuong Septyembre taong 2011. Ang lalaki ay napag-alaman na mag-mamay-ari ng telebisyon nuon pang Marso taong 2006.

Inaasahan na ang pag-baba ng desisyon sa kaso ay mag-dudulot ng malaking katiyakan sa NHK (Japan Broadcasting Corp.). Ang pangunahing income ng nasabing kompanya ay ang mga subscription fee lamang at ngayon ay nahaharap sa madaming bayarin.

Ang naka-saad sa nasabing desisyon ay nag-sasabi na ang lahat ng mga mamamayan na nag-mamay-ari ng telebisyon na maaaring makapa-nood ng mga palabas ng NHK ay dapat pumirma ng kontrata sa NHK, ngunit hindi naka-saad sa batas na “obligasyon” na ng taong pumirma sa kontrata ang nasabing bayarin at ito ay nagiwan ng malaking katanungan sa mga eksperto ukol sa interpretasyon nila sa nasabing usapin.

Ang subscription fee ang siyang pangunahing nag papatakbo sa nasabing programa. Kung-kaya`t maging ano mang nasyonalidad kaysa sa pinapanood man o hindi, ito ay kailangan na bayaran. Ngunit mahigit 20% ng sangbahayan, lalo na ang mga nakatira sa siyudad ang hindi nakaka-bayad rito, ayon sa nasabing broadcaster.

Walang penalty na ipapataw kapag hindi nag-bayad , pumapatak ng mahigit 14,000 yen o 124 dolyares ang buong kabayaran para sa isang buong taon..

Habang dinidinig ang kaso, iginiit ng lalake na ang nasabing Broadcasting Law ay saliwa sa karapatan sa malayang pag-pirma ng kontrata at nangangahulugan na hindi ito dapat pirmahan at bayaran.

Ngunit iginiit ng NHK na bilang pang-publikong mamahayag, ang mga establisyamento at kabahayan na nag mamay-ari ng telebisyon ay dapat mag bayad.

Pahayag din ng nasabing kompanya na sa oras na matanggap ang request form ito rin ang hudyat sa pag sisismula ng pag bayad.

Idinagdag ng lalaki na hindi dapat ituring na legal ang kontrata hangga`t walang pahintulot ang nag mamay-ari ng telebisyon.

Ibinaba ng Tokyo High Court nuong 2014 ang desisyon mula sa inapilang kaso ng Tokyo District Court nuong 2013 na ang lalaki ay dapat pumirma sa kontrata ng NHK at dapat mag bayad ng Broadcasting receiving fee na hindi kukulang sa 20 lapad  (200,000 yen)

Dahil sa pag taas ng bilang ng mga mamayang hindi nag babayad dahil sa mga iskandalong lumabas na may kaugnayan sa NHK nuong 2004, kung kaya`t gumawa ng legal na aksyon sa pag singil sa bayad ang NHK mula nuong 2006.

Ang proporsyon ng pag bayad ay bumagsak ng 70% ng dahil sa nabanggit na iskandalo pati na rin ang pagkakaroon ng panloloko ng mga empleyado sa produsyon ng NHK, ngunit ang nasabing kompanya ay naka-bawi ng mahigit 80% nuong nakaraang taon (2016).

Ang debate tungkol sa pagiging obligasyon sa pag-bayad ay nag-simula pa nuong taong 1960, ngunit hanggang ngayon ito ay wala pa ring malinaw na kasagutan.

Source: Japan Times, Kyodo
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund