Idol’s “No-Dating Contract” sang-ayon ka ba?

Pinasa na ng ahensiya ng mga talento ang dalawang kaso sa paninirang puri laban sa mga dating pop idols na hindi sumunod sa patakarang “no-dating contracts.” Isa sa mga dating idols ay pinagbabayad ng malaking halaga bilang kabayaran sa paninirang puri sa ahensiya subalit binaliwala naman ng isa pang pop idol ang nasabing demanda. Sa pag-angat ng kasikatan ng mga idols sa Japan, hanggang saan hahantong ang pagbabawal sa kanila sa “kalayaang magmahal?” Nahahati ang legal na posisyon sa kasalukuyan. “Isang malaking hadlang sa kaligayahan ng isang tao ang pag-usig sa kaniya na magbabayad sa paninirang puri sa kadahilang may karelasyon siya.” Sambit pa ni Judge Katsuya Hara ng Tokyo District Court noong Enero labing-18 nitong taon sa paghingi sa pagbabasura ng kaso ng mga ahensiya laban sa mga idols. Isa sa mga idols na hinatulan ay pumasok sa kontrata ng ahensiya noong Abril ng 2012 noong siya ay labing...

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIdol's

Pinasa na ng ahensiya ng mga talento ang dalawang kaso sa paninirang puri laban sa mga dating pop idols na hindi sumunod sa patakarang “no-dating contracts.” Isa sa mga dating idols ay pinagbabayad ng malaking halaga bilang kabayaran sa paninirang puri sa ahensiya subalit binaliwala naman ng isa pang pop idol ang nasabing demanda. Sa pag-angat ng kasikatan ng mga idols sa Japan, hanggang saan hahantong ang pagbabawal sa kanila sa “kalayaang magmahal?” Nahahati ang legal na posisyon sa kasalukuyan.

“Isang malaking hadlang sa kaligayahan ng isang tao ang pag-usig sa kaniya na magbabayad sa paninirang puri sa kadahilang may karelasyon siya.” Sambit pa ni Judge Katsuya Hara ng Tokyo District Court noong Enero labing-18 nitong taon sa paghingi sa pagbabasura ng kaso ng mga ahensiya laban sa mga idols.

Isa sa mga idols na hinatulan ay pumasok sa kontrata ng ahensiya noong Abril ng 2012 noong siya ay labing siyam na taon gulang pa lamang. Aktibong miyembro siya sa grupo ngunit noong Disyembre ng 2013 ay nagsimula siyang nakipagdate sa isang tagahanga nito.

Samakatwid, ayon sa kanyang pinirmahang kontrata sa ahensiya, maaring magsampa ng kaso laban sa kanya ang ahensiya kung sakaling mahuli siyang makipagdate sa isang tagahanga, ayon pa sa Yomiuri Shimbun. Kung kaya’t sa ganitong kalagayan na sa pabor ng publiko nabubuhay ang ganitong negosyo masaklap ngang makapinsala ang ganitong paglabag sa kontrata. Mahigit ¥7.6 milyon ang inuusig ng ahensiya sa pinsala kasama na ang pagsuspende sa pagbibinta ng kalakal nito laban sa idols.

Inayunan naman ng korte “ang pagbabawal makipagdate ng isang talento sanhi ng malaking pagantabay ng mga tagahanga sa mga kadalisayan at kalinisan ng mga idols kung kaya’t tiyak lang na masugid ang pamamahala ng ahensiya hinggil sa kasunduang ito.” Subalit  sa kabilang panig pa’t inayunan din ng korte na “ang pakikisalamuha sa kabilang kasarian ay isang karapatang pantao na magpapalago sa buhay ng tao.”

“Limitado din ang pagpapahayag ng kabayaran sa kasong sinadyang paninirang puri,” dagdag pa ng korte.

Malaki ang papuri ng Abogado ng sinakdal sa desisyong iyon, sinabi pa niya: “ito’y bukod tanging kapasiyahan na batayan sa karapatang panatao.”

Subalit, tumutol naman ang ahensiya at umapela sa batayan ng korte.

Isa sa pinakamalaking ahensiya ng mga talento ang Oscarpromotion Co., na nagpasikat ng iba’t ibang talento ay mahigpit na nagpapalaganap ng batayang bawal ang may karelasyon hanggang sa edad na 25 taong gulang para sa magkaparehong kasarian mula sa kanilang debu na may edad 10 hanggang 19 taong gulang, at pinaghihigpitan din sa loob ng limang taon kung ang mga ito ay nag debu simula sa ika 20 taong gulang nila o mahigit. Ayon kay Vice President Seiji Suzuki, “Mahirap pagsabayin ang pagiging sikat at pag ani ng mga salapi sa pagkakaroon ng karelasyon.”

Ang kondisyon ng industriyang ito ay kinikilala ng batayan ng Korte ng Tokyo District mula noong nakaraang taon ng Setyembre. Binigyan diin ni Judge Akimoto Kojima na “Ang pagbabawal na makipagrelasyon ay nararapat para sa pagbibinta ng maraming kalakal.”

Natuldukan ang kaso laban sa isang idol sa kaniyang paninirang puri sa paglabag nito sa kontrata dahil ito rin ay naging sanhi sa pagbuwag ng grupo ng mga idols. Hinatulan ang idol ng ¥650,000 bilang kabayaran sa pinsalang dulot nito sa ahensiya.

 

Source:the-japan-news.com
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund