Share
Tumagilid ang isang trak sa ginagawang bahagi ng Governor Pascual Street sa Barangay Catmon sa Malabon Martes ng gabi.
Nahulog ang kinakargang container van ng trak na nadaganan ang ilang nakaparadang pedicab. Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
Sumabog rin ang isang tubo ng Manila Water nang maipit ito ng trak.
Ayon sa driver na si Achilles Baldonado Jr., tumagilid ang trak nang bumigay ang manhole na naka tabon sa kanal na dinaanan ng gulong ng trak.
Join the Conversation