Isang nakakaaliw at masisteng badya na kamakailan lang ay ipinamalas ng mobile carrier NTT Docomo Inc. ng ibinahagi nito ang isang bidyo hinggil sa isang pulutong ng mga kawal na Samurai sa kanilang paglalakbay tutok sa kanilang mga smartphones. Maging ang mga kawal na ito’y hindi ligtas sakaling sila’y nakababad sa kani-kanilang mga smartphones habang naglalakbay.
“Layon ng bidyo ay maipamalas sa lahat lahat na umiwas sa paggamit ng smartphone o anumang mobile phones habang naglalakad para maiwasan ang anumang sakuna. Ipinalagay namin na ang mga kawal ng Samurai ay tugmang ideya para ihatid ang mensahe para sa kahalatan sa bansang Hapon,” ayon pa sa Tagapagsalita ng Docomo na si Akehiro Tomita.
Kaya ko kung ikaw ay isa sa mga naturingang adik sa phone at ni isang kurap man lang ayaw tantanan ito, tunghayan ang isang bidyong pinamagatang “Aruki Sumaho Sankin Kotai,” sa paglalarawan ng mga kawal ng mga Samurai “tutok forever” sa kani-kanilang mga smartphones… at maging ang iyong kahihinatnan kung pati sa iyong paglalakad mobile phone mo’y ayaw mong tantanan.
https://www.youtube.com/watch?v=3Fm0Zirt8wI
Source: Japan Times, News On Japan
Join the Conversation