Statement of President Aquino before departing for the 27th ASEAN Summit

Pahayag ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas bago ang kanyang pagdalo sa ika-27 na ASEAN summit [Inihayag sa NAIA Terminal 2, Lungsod ng Pasay, noong ika-20 ng Nobyembre 2015] Matapos po ang ating matagumpay na hosting ng APEC 2015, bibiyahe naman tayo ngayong hapon patungong Kuala Lumpur sa Malaysia upang dumalo sa ika-27 ASEAN Summit. Espesyal po ang pagtitipon ngayong Nobyembre dahil ilulunsad ang ASEAN Community. Sa pamamagitan po nito, magiging mas maigting ang pagtutulungan ng mga kasaping bansa sa pagpapaunlad ng ekonomiya, pagpapatibay ng seguridad, at pangangalaga sa mamamayan, lalo na ng mga nasa laylayan ng lipunan. Ito rin po ang magpapalakas sa kakayahan ng rehiyon na makibahagi sa pandaigdigang palitan ng mga produkto, serbisyo, at kaalaman. Dahil nga po dito, mas marami tayong mabubuksang pagkakataon para ang ating mga kababayan ay makapagpakitang-gilas at makipag-ambagan sa iba’t ibang larangan. Kasama rin po sa pagtitipong ito ang...

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Pahayag
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
bago ang kanyang pagdalo sa ika-27 na ASEAN summit

[Inihayag sa NAIA Terminal 2, Lungsod ng Pasay, noong ika-20 ng Nobyembre 2015]

&nbspStatement of President Aquino before departing for the 27th ASEAN Summit

Matapos po ang ating matagumpay na hosting ng APEC 2015, bibiyahe naman tayo ngayong hapon patungong Kuala Lumpur sa Malaysia upang dumalo sa ika-27 ASEAN Summit.

Espesyal po ang pagtitipon ngayong Nobyembre dahil ilulunsad ang ASEAN Community. Sa pamamagitan po nito, magiging mas maigting ang pagtutulungan ng mga kasaping bansa sa pagpapaunlad ng ekonomiya, pagpapatibay ng seguridad, at pangangalaga sa mamamayan, lalo na ng mga nasa laylayan ng lipunan. Ito rin po ang magpapalakas sa kakayahan ng rehiyon na makibahagi sa pandaigdigang palitan ng mga produkto, serbisyo, at kaalaman. Dahil nga po dito, mas marami tayong mabubuksang pagkakataon para ang ating mga kababayan ay makapagpakitang-gilas at makipag-ambagan sa iba’t ibang larangan.

Kasama rin po sa pagtitipong ito ang paglalatag ng ASEAN Vision 2025. Kita naman po ninyo, maski ang mga karatig-bansa natin, kinikilala ang pangangailangang magplano at kumilos nang pangmatagalan; hindi lang para sa bukas o sa makalawa, kundi para sa susunod na salinlahi. Binabalangkas po ng ASEAN Vision 2025 ang iisang direksyong tatahakin ng bawat kasaping-bansa, upang tunay na walang maiwan sa pag-abot ng kaunlaran, at upang lalong makilala ang ASEAN bilang haligi sa diskursong pandaigdigan.

Siyempre po, dahil ito na ang huling pagkakataon na dadalo ako sa ASEAN bilang inyong Pangulo, gagamitin din natin ang pagkakataon upang magpaalam sa mga pinuno ng Timog-Silangang Asya.  Pasasalamatan natin sila sa kanilang pagtitiwala at pagsusuporta sa ating pagtahak sa Daang Matuwid; sa kanilang pakikiramay sa panahon ng sakuna; sa kanilang pakikipagtulungan upang lalo pang mapaigting ang seguridad ng ating rehiyon; at sa kanilang pagiging katuwang sa pagsusulong ng mapayapa at makatuwirang resolusyon sa mga hamon na kinakaharap natin.

Madaling araw po ng ika-23 ng Nobyembre po ang balik natin. Makakaasa po kayo na kagaya ng lagi nating ginagawa kapag lumalabas ng bansa, ay sasagarin natin ang bawat pagkakataong makapag-uwi ng good news sa ating mga Boss. Malinaw po: Habang pinagtitibay natin ang ating pakikipag-ugnayan sa ibang bansa, lalo ring yumayabong ang mga ipinunla nating positibong pagbabago sa ating lipunan. Sa patuloy nga po ninyong pagbibigay-lakas sa Daang Matuwid, makikilala ang kakayahan ng Pilipino, sa rehiyon at sa buong daigdig.

Muli po, magandang hapon sa inyong lahat. Maraming salamat po.

Source: GOVPH
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund