Japan will open doors for Filipino Domestic workers
Manila – Lalaon at magbubukas na ng oportunidad ang bansang Hapon para sa mga Pilipino na domestic workers.
Isa ito sa mga naging usapin Nina Presidente Ninoy Benigno Aquino III at Japanese Prime minister Shinzo Abe noong Huwebes ng gabi, ika-19 Nobyembre.
Maging sa kasalukuyan ay tumatanggap ng mga dayuhang nars at caregivers ang bansang Hapon. Maaaring mangungunang tatanggap ng mga domestic helpers ang prepektura ng Osaka, Kanagawa at Tokyo area sa mga nasabing Pilipino domestic workers, ayon kay Press Secretary Yasuhisa Kawamura.
“Japan’s reception of the Filipino household workers to Japanese economic special zones… we requested, on the side of the Philippines, that they also prepare the necessary systems,” sabi pa ni Kawamura.
Official Development Assistance
Dinagdag pa ni Kawamura na nangako pa ng P93-bilyon ang gobyerno ng Hapon para sa Official Development Assistance ng bansa para sa proyekto ng north-south commuter railway na magtatagpo sa Tutuban, Manila at Malolos, Bulacan. Inaasam na maisakatuparan ang proyekto sa taong 2021.
Nagpahayag din ang bansang Hapon na magpapatuloy ang suporta nila para sa Mindanao sa iba’t ibang gawaing pangkabuhayan.
Agri-Business Promotion Project
“We welcome the development, advancement, of the so-called road map of transportation infrastructure corporation in the Manila urban area. JPY15 billion, a project called Agri-Business Promotion Project, which would support economic independence, economic autonomy in Mindanao,” ani pa niya.
Defense Agreement Transfer
Para naman sa Depensa ng bansa, isinasaalang-alang din ni Prime Minister Abe ang pakikiusap ng Pangulong Aquino para sa karagdagang malalaking patrol vessels, abiso pa ni Kawamura.
Pinaplano din ng bansang Hapon na pabilisin ng pagaproba ng kasunduan para sa Defense Agreement Transfer. Hindi pa man tiyak kung anong mga kagamitan ang maibibigay sa bansa ng Pilipinas pero eto pa rin ay para sa kaligtasang pangkaragatan.
Sinambit pang muli ni Prime Minister Abe ang kanyang suporta sa arbitrasyon ng Manila laban sa bansang Tsina at ani pa niya na ang pasasagawa ng anumang konstruksyon sa Karagatang Timog Tsina ay dumadagdag lamang ng tesyon sa rehiyon at dapat na ihinto.
“We’d like to issue a strong message at the upcoming East Asia Summit meeting in order to preserve an open and free and peaceful ocean,” wika ni Kawamura.
Inihayag pa ni Kawamura na ang Emperador Akihito ng bansang Hapon at Emperatris Michiko ay bibisita sa Pilipinas sa susunod na taon bilang paggunita ng ika-60 taong anibersaryo sa pagpapatibayan ng samahang Pilipinas at bansang Hapon.
Si Emperador Akihito marahil ang ang kaunaunahang Emperador na bibisita sa bansa.
Source: ABS-CBN
Join the Conversation