Pinagkaloob ni Emparador Akihito ng bansang Hapon ang karangalan na “Order of Culture,” ang pinakamataas na karangalang kultural ngayong taon sa dalawang nagpipitagang Nobel Prize Winners at sa mga iba pang mga tanyag na panauhin.
Ang seremonya ay ginanap sa Imperial Palace sa Tokyo noong nakaraang Martes.
Anim sa mga Pitong tumanggap ng nasabing karangalan ay lumahok. Kabilang na si Satoshi Omura, isang Sikat na Emeritus Propesor sa Unibersidad ng Kitasato na wagi sa ngayong taong Nobel Prize sa Pisyolohiya o Medisina. “Sa Kabila ng lahat ng eto hagad ko na sana nasaksihan ng aking kabiyak na walang sugid na sumusuporta sa akin maging sa kanyang huling hininga,” pahayag pa ni prospesor Omura.
Kabilang din si Takaaki Kajita, ang namumuno ng Institute for Cosmic Ray Research sa Unibersidad ng Tokyo na agi din siya ng Nobel Prize sa Pisika sa pagpapatunay na ang elementary particles na kilala na Neutrinos ay may Masa. Bakas sa kaniyang pananalita ang saya sa pagtanggap ng karangalan.
Maging ang mga tanyag na sina Propesor Emeritus Hiroshi Shiono ng Unibersdad ng Tokyo, Pandangal na Propesor Yasuharu Suematsu ng Tokyo Institute of Technology, at ang Unibersidad ng Kyoto na si Emeritus Propesor Shigeta Nakanishi ay pinagkalooban din ng Emperador ng Order of Culture Award.
Maging ang 91 taong gulang na pintor na si Fukumi Shimura at ang sikat na Aktor na si Tatsuya Nakadai ay kalahok din sa seremonya at tumanggap din ng nasabing kataas taasang karangalan mula sa Emperador.
Source:AANnews/ News on Japan
Join the Conversation