Milyon-milyong Turista sa Japan nagdagsaan na, Posibleng aapaw pa!

TOKYO – Sa loob pa lamang ng sampong buwan ngayong taon ay umabot na sa 16.3 milyong mga turista ang bumisita sa bansang Hapon ayon sa Japan National Tourism Oragnization (JNTO). Sinabi pa ng JNTO na lalagpasan pa nito ang panukalang 2o milyong turistang bibisita ngayon taon, balita ng Fuji TV. Ang umanong bilang ay umangat ng 48.2% laban sa naitala noong nakaraang taon, ayon sa JNTO. Maging sa buwan lamang ng Oktubre, umabot pa sa 1.829 milyong turista na may 43.8% na pag-angat laban sa naitalang bilang noong Oktubre ng 2014. Sinabi pa ng JNTO na halos kalahati sa bilang na eto ay mga turistang nagmumula sa Tsina na umabot pa sa 445,600 na lagpas pa ng 50% sa kaparehang buwan noong nakaraang taon. Nakakamanghang isipin sa kabila ng tensyong pulitika sa dalawang bansa na magmumula pa sa Tsina ang napakalaking bilang ng turista na bumibisita sa bansang Hapon,...

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Sa loob pa lamang ng sampong buwan ngayong taon ay umabot na sa 16.3 milyong mga turista ang bumisita sa bansang Hapon ayon sa Japan National Tourism Oragnization (JNTO).

Sinabi pa ng JNTO na lalagpasan pa nito ang panukalang 2o milyong turistang bibisita ngayon taon, balita ng Fuji TV.

Ang umanong bilang ay umangat ng 48.2% laban sa naitala noong nakaraang taon, ayon sa JNTO. Maging sa buwan lamang ng Oktubre, umabot pa sa 1.829 milyong turista na may 43.8% na pag-angat laban sa naitalang bilang noong Oktubre ng 2014.

Sinabi pa ng JNTO na halos kalahati sa bilang na eto ay mga turistang nagmumula sa Tsina na umabot pa sa 445,600 na lagpas pa ng 50% sa kaparehang buwan noong nakaraang taon. Nakakamanghang isipin sa kabila ng tensyong pulitika sa dalawang bansa na magmumula pa sa Tsina ang napakalaking bilang ng turista na bumibisita sa bansang Hapon, dagdag pa ng JNTO. Pumangalawa naman ang mga nagmula sa Timog Korea na umabot sa 370,800 turista, at sumunod ang mga nagmula sa Taiwan. May 16.6% naman ang mga nagmula sa Estados Unidos na may 96,200 katao.

Ang pagbaba ng halaga ng Yen, mga murang international flights at ang pagginhawa ng regulasyon sa pagkuha ng bisa  sa Timog-Silangang Asya  ang dahilan sa pag angat ng mga bilang ng mga turistang bumibisita sa bansa, ayon pa sa mga opisyales ng Turismo.

 

Source: Japan Today
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund