Nagdadagsaan ang mga bumibisita sa Templo ng Eikando sa Kyoto tuwing panahon ng Taglagas dahil sa kaakit-akit na pagbabago ng kulay ng mga dahon at may nakakamanghang iluminasyon pa ang ganap na masasaksihan doon pagsapit ng gabi.
Ang Templo ay bantog sa kagandanghang angkin na eto at minsa’y naitampok pa ito sa koleksyon ng ika sampung dekadang panulain. Lingid sa kaalaman ng lahat, ito ay mahigit ng Isang libong taong Templo na namumukadkad pa rin lalo na sa panahon ng taglagas.
Sa tuwing bubuksan na ang templo sa gabi, nakakamangha manghang kulay at ganda ang inilaladlad ng mahigit tatlong libong maple na iniilawan ng halos anim na daang mga ilaw dito. May mga dahon nang litaw na litaw ang matingkad na pula samantalang nagsisimla pa lamang ang pababagong kulay ng iba. Ang natural na pagkakatugma tugma ng mga kulay na ito ay siyang di napapalagpas ng mga libo-libong mga turista sa Nayon ng Kyoto.
Ang makabagbag damdaming iluminasyon ay matutunghayan hanggang ika-tatlo ng Disyembre ngayong taon.
Location: Google Maps here!
Source: NHK, Yurara Sarara
Join the Conversation