“Karoshi,” Subsob sa trabaho dahilan ng Suicide!

Pagpapakamatay nga lang ba ang lunas kung ika’y pagod na sa buhay? Sinasabing ito ang isa sa pinakamalaking hamon na hinaharap ng bansang Hapon sa kasalukuyan. Libo-libong mga bilang ng mga mamamayan taon-taon ang nagpapakamatay ng dahil sa iba’t ibang suliranin sa buhay. Kabilang rito ang subsob sa trabaho na kadalasan ay naging sanhi na kung ano-anumang mga kapansanan na ikinamamatay ng tao maging ito ay nagiging dahilan ng pagpapakamatay. “Bakit nga ba labis kung magtrabaho ang mga Hapon?” Isang palaisipan sa isang blog ni Naoya, isang hapon na nagpakamatay sa labis na kalungkutan dahilan ng kanyang trabaho. Ayon pa sa kanyang blog, “wala na akong magawa, wala na akong gustong gawin. nangyayamot ako, napapagod na ako at nagririmarim. Pilit ko mang itago, pigilin ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng mga gamot di kalaonay wala na ring bisa ang mga ito. Ako’y nababahala na, ano ang gagawin ko? Ano mang...

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Pagpapakamatay nga lang ba ang lunas kung ika’y pagod na sa buhay? Sinasabing ito ang isa sa pinakamalaking hamon na hinaharap ng bansang Hapon sa kasalukuyan. Libo-libong mga bilang ng mga mamamayan taon-taon ang nagpapakamatay ng dahil sa iba’t ibang suliranin sa buhay. Kabilang rito ang subsob sa trabaho na kadalasan ay naging sanhi na kung ano-anumang mga kapansanan na ikinamamatay ng tao maging ito ay nagiging dahilan ng pagpapakamatay.

“Bakit nga ba labis kung magtrabaho ang mga Hapon?” Isang palaisipan sa isang blog ni Naoya, isang hapon na nagpakamatay sa labis na kalungkutan dahilan ng kanyang trabaho. Ayon pa sa kanyang blog, “wala na akong magawa, wala na akong gustong gawin. nangyayamot ako, napapagod na ako at nagririmarim. Pilit ko mang itago, pigilin ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng mga gamot di kalaonay wala na ring bisa ang mga ito. Ako’y nababahala na, ano ang gagawin ko? Ano mang pagsisikap ang gagawin ko, di ko na kakayanin ang lahat ng ito. Wala na akong halaga, inutil! walang wala na ako! Di ko na kailangang mabuhay pa! At wala na akong rason para mabuhay! Wala rin akong lakas ng loob mamatay. Gusto ko lang maglaho pero di ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko na kaya ang lahat ng ito! Sa ngayon, ang nais ko lamang ay lumayo. Palagay ko pipiliin ko na lang ang kamatayan.”

Subsob sa trabaho ang isa sa mga nagpapahiwatig ng pagkaabala ng karamihan sa mga kabataan sa ngayon para lamang mapanatiling may kabuhayan sa bansang Hapon. Gusto nilang iwasan ang mawala na lang o magiging pansamantala sa isang kompanya. ‘Hangad nila ang may permanenteng hanapbuhay kung kaya’t ganun na lang ang maningas na nais nila sa pagtatrabaho,’ ayon din kay Syota Nakahara, 32 taon gulang, dating System Engineer na isang biktima ng labis na pagtatrabaho.

Ayon pa sa Japan Ministry of Health, Labour and Welfare noong 2010 may mahigit 50% ang Compensation Cases for Work Related  Mental Illness ng may edad 20 hanggang 39 taong gulang kumpara sa lahat ng mga may edad na kumikil. At ang masaklap pa ay ang nangungunang sanhi ng kamatayan ng mga nasabing grupo ng edad (20-34 taong gulang) ay Suicide. Lingid sa ating kaalaman, sa mahigit 30 libong bilang ng mga nagpakamatay noong 2010 sampung libo nito ang dahilan ng subsob at sobrang pagod sa trabaho.

Kung kaya masusing pinagtutuunang pansin ng gobyerno ng bansang Hapon ang lagay na ito.

Employee’s Mental Health Check

Magsisimula na sa susunod na buwan ang pagbibigay ng isang taunang eksamin sa mga empleyado hinggil sa kani-kaniyang stress level sa kadahilanang marami na sa bansang Hapon ang nagdudusa sa kapansan sa pag-iisip.

Alinsunod sa Health, Labor and Welfare Ministry, sa ilalim ng rebisyon ng Industrial Health and Safety Law noong nakaraang taon ang eksamin na questionnaire ay para sa mga 20 milyong empleyado sa loob ng 16 libong kompanya sa buong bansang Hapon.

Ang layon ng eksamin ay para alamin ng bawat manggagawa ang kani-kanilang stress level at lutasin ang pagkaaba o ang kalungkutan nito kaysa sa isa-isahin pa kung sino ang may kapansanan sa kaisipan, ayon kay psychiatrist Takashi Amagasa.

Lumalala ang kondisyon ng kalusugan maging ang kaisipan ng mga manggagawa sa kani-kanilang pinagtatrabahuan kung kaya’t nararapat lamang na bigyang pansin ang kalutasan nito sa pamamagitan ng pagsusubok sa questionnaire, dagdag pa ni Amagasa.

Agad namang ipapaalam ng mga doktor o nars na magsasagawa ng assessment  sa mga mangagawa kung sakaling sila ba ay di na kailangang kumuha ng pagsusubok.

Source: News on Japan, Japan Times

 

 

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.