Iniulat ng French media ang tunog ng isang pagsabog na maririnig sa mga instrumentong nabawi mula sa Russian airliner na nag-crash noong nakaraang linggo sa Ehipto.
Inulat ng Public broadcaster France 2 ang sinabi ng isang imbestigador na ang pagputok ay naitala sa cockpit voice recorder.
Isinantabi ng imbestigador ang pagbagsak ng engine nang walang ibinigay na mga kadahilanan.
Iniulat ng news agency na The Agence France Presse na sinabi ng isang source na may kaugnayan sa pag-iimbestiga na pinakita ng recorder na lahat ay normal hanggang sa pareho itong bumagsak 20 minutos pagkatapos tumaas ng eroplano.
Sinabi ng ahensiya na ang source ay mas lalong nakakatiyak na ang eroplano ay bumagsak dahil sa pampa sabog at hindi dahil sa teknikal na dahilan.
Ang French investigators ay bahagi ng pinagsanib na pagsisiyasat sa crash kasama ang mga opisyal mula sa Ehipto at Russia. Ang Airbus,na siyang tagagawa ng nag-crash na sasakyang panghimpapawid ay headquartered sa France.
Source: NHK
Join the Conversation