Hindi kapanipaniwalang paglaki ng isang bulkan ang nasubaybayan ng mga opisyales ng Japan Coast Guard mula ng nabuo ito sa pagsabog sa ilalim ng liblib na karagatang Pasipiko mga dalawang taon pa lamang ang nakakalipas.
Sinasabing ang isla ng Nishinoshima ay lumaki ng 12 beses kaysa sa dating laki nito sa loob lamang ng dalawang taon. Ang naturang isla ay nasa Ogasawara chain na may 1,000 kilometro ang layo bandang Timog ng Tokyo.
Nang isinagawa ang aerial monitoring sa isla ng Nishinoshima nitong Martes, ika-24 ng Nobyembre natunghayan pa ang malalakas na pagsabog ng bulkan at pagluwal ng mga lava na may makakapal pang usok na kasama mula sa bukana nito, ayon sa opisyales.
Sinasabing ang isla ay may sukat na 1,900 metro mula silangan hanggang pakanluran at may sukat na 1,950 metro mula hilaga hanggang timog. Saklaw nito’y sa nagyon ay umaabot ng 2.64 kilometrong parisukat. Halos 56 beses ang laki kaysa sa Tokyo Dome o 2.6 beses kaysa Disney Resort ang laki naturang isla, ayon pa sa opisyales.
https://www.youtube.com/watch?v=4e4oz1oDRNE
Source: NHK, News on Japan
Join the Conversation