Dementia: laganap na nga ba?

Hinihinalang umaabot sa 4.5 milyon katao sa banssang Hapon ang naghihirap sa dementia, isang sakit sa isip o ang kawalan ng memorya, atensyon, pagpapasya, lingwahe o kawalan ng kakayahan sa pagtugon sa suliranin. Maging ang mga kapamilya nito’y nagdudusa rin kung sakaling sila’y makawala sa kanikanilang mentalidad man o maging sa pisikal. masugid na bumabantay ang mga convenience stores sa Osaka sa mga taong may dementia sakaling sila man ay mapapad dito. Minsan may isang 80 taong gulang na babaeng naninirahan sa Silangan Osaka na nagpahayag na ang kanyang asawa ay madalas nakakawala sa kadahilanan ng pagkakaroon ng dementia. Maging noong Agosto isang taon na nakakaraan ay minsan din nawala ang kabiyak nito. Lagi niya rawitong inaalala baka kung ano man at may mangyayaring masama sa asawa. Natagpuan Ang Asawa ng nasabing matandang bababe mga limang kilometro mula sa kanila. Hinala ng klerk na may konting problema sa matandang lalaki...

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Hinihinalang umaabot sa 4.5 milyon katao sa banssang Hapon ang naghihirap sa dementia, isang sakit sa isip o ang kawalan ng memorya, atensyon, pagpapasya, lingwahe o kawalan ng kakayahan sa pagtugon sa suliranin. Maging ang mga kapamilya nito’y nagdudusa rin kung sakaling sila’y makawala sa kanikanilang mentalidad man o maging sa pisikal. masugid na bumabantay ang mga convenience stores sa Osaka sa mga taong may dementia sakaling sila man ay mapapad dito.

&nbspDementia: laganap na nga ba?

Minsan may isang 80 taong gulang na babaeng naninirahan sa Silangan Osaka na nagpahayag na ang kanyang asawa ay madalas nakakawala sa kadahilanan ng pagkakaroon ng dementia. Maging noong Agosto isang taon na nakakaraan ay minsan din nawala ang kabiyak nito. Lagi niya rawitong inaalala baka kung ano man at may mangyayaring masama sa asawa.

Natagpuan Ang Asawa ng nasabing matandang bababe mga limang kilometro mula sa kanila. Hinala ng klerk na may konting problema sa matandang lalaki dahil labas pasok ito sa convenience store sa panahon na iyon. Paikot ikot sya sa halos 3o minutos. Tinanong siya kung saan siya nakatira ngunit di niya man lang eto maalala. Maging pangalan niya ay nakaligtaan niya rin, kaya nakapagpasya ang klerk na siya ay may dementia. Nahanap ng klerk kung saan ang tirahan nito sa isa sa mga gamit nito at hulog nga ng langit at nakausap nila ang asawa ng nawawala matandang lalaki at alalang alala ito sa kanya. Laking pasasalamat naman ng asawa sa kabutihang walang anuman na masamang nagyari sa matanda.

Halos 10 libung katao naman ang naitalang nawawala mula nakaraang taon ayon sa Ahensiya ng Pulisya sa bansang Hapon.

Nakikipag ugnayan naman ang Osaka sa lahat lahat para punan ng pansin ito. “Kung ikaw ay nawawala, lumapit ka sa pinakamalapit na convenience store.” Paalala pa ni Osaka Gobernador Ichiro Matsui.

May 3 daang convenience stores na rin ang nakiugnay at tumulong sa mga nawawala matatanda na may tulad nitong kapansanan, 4 sa mga chains ay naglahad na rin ng kanilang adhikain na maging ligtas ang sinumang mapadpad na may kapansanan sa kani-kanilang establistamento. May 3,500 na mga pwesto sa Osaka prepektura ang mga nakiki-ugnay at nangako sa kasiguraduhan ng mga tao. Nakiki-ugnay ang gobyerno sa mga ito dahil 24 oras naman silang nakabukas para sa serbisyo publiko. “Malaki ang tiwala namin na malaking tulong ito sa komunidad at tiyak na lalago din ang aming mga establistamento.” wika pa ni Seiichiro Ishibashi/ Executive Officer ng Seven-Eleven Japan.

Ang pagsasaayos na naisagawa ay tatawaging itong SOS Network. Magkakaugnay ang lahat ng mga syudad at sambayanan para sa paghahanap ng mga nawawala. At sa mungkahi ng mga kapamilya, hangad nito na mailahad ang mga impormasyon tulad ng edad ng mga nawawalang tao o maging ang kasuotan nito sa mga convenience stores.

Ang prepektura sa ngayon ang nagpapalaganap ng mga klase sa dementia para tuturuan ang mga klerk kung ano ang kailangang hanapin at kung papano tumugon sa mga ito.

Hinihinalaang 10 taon mula ngayon ay may isa sa limang matatanda sa ngayon ay magkakaroon ng ganitong kapansan sa kaisipan. Samakatwid ay patutunayan ng mga convenience stores paano tutugonan ang mga ito sa hinaharap.

 

Source: NHK World

 

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund