Artistang si Tomoko Tabata, 34, ay nasa mabuting kondisyon na sa ospital pagkatapos niya umanong tangkaing magpakamatay.Iniulat ng Japanese media na si Tabata ay naglaslas ng kanyang kaliwang pulso na nangyari sa tirahan ng kanyang 38-taon gulang na kasintahan sa Setagaya Ward Tokyo bandang alas-7 ng umaga noong Huwebes.
Ayon sa pulisya, walang katibayan na mayroong nangyaring krimen, sa ulat ng Sankei Shimbun.
Naglabas ng pahayag ang agency ni Tabata sa media na nagsasabi na sinabi umano nito sa kanila na nahiwa niya ang kanyang sarili nang hindi sinasadya habang naghihiwa siya ng kalabasa.
Iniulat ng tabloid media na uminom si Tabata ng sleeping pill bago ang nangyaring paglaslas sa kanyang sarili, ngunit itinanggi ito ng ahensiya at sinabing walang pagbabasehan ang ganoong mga pahayag.
Source: Japan Times
Join the Conversation