Sa Women’s Desk ng Manila Police District Headquarters, nahihiyang ikinuwento ng anim na babae kung paano sila na-rescue mula sa kasamahan na binugaw sila umano sa halagang P5,000 kada isa.
Ang buong akala nila, overnight swimming lang ang mangyayari. Pero pagdating sa kanto ng UN Avenue at Taft Avenue, nasorpresa na lang sila ng papasukin sa van at sabihing sa estasyon ng pulis pala sila dadalhin.
Nasa edad 18 hanggang 22 ang mga babae. Sumasama daw sila sa mga gimik para makipagkwentuhan at bigyang aliw ang mga nirerekomenda sa kanila ng kasamahan.
Umiiyak naman si alyas Edna, 20 anyos, na tinuturong nagbugaw sa mga babae. Depensa niya alam naman daw ng mga babae ang pinapasok nila.
Nagawa lang din niya ito dahil sa tindi ng pangangailangan para sustentuhan ang dalawang anak.
Sasampahan si alyas Edna ng kasong human trafficking.
Pansamantala munang mananatili sa kustodiya ng women’s desk ang mga nailigtas na mga babae.
Source and video: ABS-CBN News
Join the Conversation