Napag-alaman ng NHK ang grupong Anonymous na pinaniniwalaang mga hackers na nagpapalaganap ng anumang mga atake laban sa mga websites ng bansang Hapon.
Ang naturang pag atake noong nakaraang buwan lamang ay naiulat pa ng mga pulisya at kabahagi pa nito ang mga kompanya ng cyber security. Ayun sa ulat ang naturang grupo ay gumagamit ng DDOs na taktika para makapasok sa anumang website sa pamamagitan ng pagpapasok ng maladambuhalang mga data sa website para maging impossible ang pag access mo rito. Kabilang sa mga nakaranas ng pang-aabala ay ang website ng Nankai Electric Railway sa Kanlurang Hapon at sa isang Aquarium sa Gitnang Hapon kung saan naging paralisado ang naturang mga websites ng mga ilang oras ayon sa ulat. Kahit pa ang Japan Post rin ay naiulat na inatake noong Octubre 12 nganong taon.
Ang kilalang Kadokawa news sites na naka base sa Tokyo ay di rin pinalagpas ng naturang grupo. Nasabing noong ika-22 ng Oktubre ay naging paralisado at di gumana ang buong website ng Kadokawa nang halos isang linggo.
Naiulat na isa sa mga miyembro ng Anonymous ay nagkapag tweet na ang grupo ay nakapagtala na ng 23 kompanya at mga organisasyon na inatake nila sa bansang Hapon. Bagamat hindi pa huhupa ang pang aabala nito at hinihinalaang magpapatuloy sa karamihang mga websites sa buong bansa.
Masugid na sinusubaybayan at kinikilatis ng mga imbestigador ang naitalang komunikasyon na ibinahagi ng mga nabiktima ng naturang grupo kung saan ang pinagmulan ng pag atake.
Source: NHK World
Join the Conversation